Tuesday, December 25, 2007

hanggang tingin nalang ba?

Araw-araw kitang pinagmamasdan
At araw-araw din akong nasasaktan
Di ko na alam kung ano ang gagawin
Dahil hanggang ngayon,
Di mo pa rin ako tinitingnan

Ano ba ang dapat kong gawin
Para ako’y iyong mapansin?
Hanggang tingin ka nalang ba
O may pag-asa pa ang makasama ka?

No comments: